Monday, March 15, 2010

it's a FROG'S Life :)

When you're a frog, then be a frog. And I am not just a frog...I'm a darn Frog Princess!


I am beautiful, sabi ni Mama. (kaya wag ka ng umangal!)
I am talented, sabi ni Papa. (Kaya manahimik ka na lang!)
I am everything, sabi ng aking mga fans. (wag ng kumontra...blog ko to!)

Minsan mahirap maging prinsesa. Nakakapagod mag beauty rest. Magtext sa mga fans na walang sawang nanghihingi ng load autograph, magupdate ng blog para sa mga consituents na walang sawang sumusubaybay [tama ba yun?], at gampanan ang mga duties na walang sawang itinatambak ng mga walang magawang nilalang sa mundo.

Ang hirap maging prinsesa, blogista, at negosyanteestudyante all at the same time. Dagdagan pa ng katoohanan na kaming mga froglets ay madalas nilalait-lait ng mundong hindi marunong mag-appreciate ng tinatawag na inner beauty.

Palaka man kami ay sarili din naman kaming ganda. Ako lang pala, hindi sila kasama.
Pero dahil hindi naman talaga natin mai-expect na maiintindihan tayo ng mundo, pagbigyan na lang nain sila. Kung hindi man nila makita ang ganda na nakatago sa likod ng mala diyosamaligno nating mga anyo [ninyo lang pala], ay hayaan na natin sila.

Ang tunay na ganda ay hindi nakikita sa panglabas na anyo. Minsan, kailangan mo din tignan ang nasa loob bago mo husgahan ang anyo ng isang tao, at palaka. BOW.

Tama na ang usapang ganda...
Pag-usapan natin ang buhay Palaka...

Kamusta naman at patapos na ang semestre...nagpapahinga din naman kaming mga froglets kaya excited din ako sa darating na bakasyon.

Pagpasok ng bakasyon ay busy na ako. Busy sa pagtulog, pagkain, text, blog, at lakwatsa. Saya noh? Siyempre minsan nagpa-part time din akong mag-aral, mag edit at magsermon sa mga taong parang diamond sa tigas ang ulo. Buti na lang at malambot ang ulo naming mga froglets.

Ang totoo niyan, busy naman talaga ako lately, kung hindi lang ako tamad at inuuna ang pagtulog kaysa pagtrabaho. Ang daming trabaho na dapat tapusin, lam niyo na busy-busyhan. Marami ding actviies na dapat salihan, lam mo na talented tayo eh. At siyempre, yung mga assignments, projects, tours, at kung anu-ano pang charchar ng buhay ko. Buhay...

Simple lang naman akong mamuhay kahit prinsesa ako...hindi naman ako high maintenance gaya ng iba. Wala din naman akong bisyo o pinagkakagastusan ng malaki.

Ngayong bakasyon.. wala lang. bakasyon lang. Sana naman makuha ko na yung dream gift ko. Sana din marami akong pera para makabili ako ng maraming chocolate, ice cream, mr. chips, libro at maraming maraming ballpen!

Sana naman may makarinig. Sana naman may pusong maawa sa prinsesang palaka na ang tanging pangarap ay magkaroon ng DSLR Camera  para next year ay makahingi naman siya ng bagong laptop...hehehehe.

Ayaw kasi akong bigyan ng hari at reyna dahil hindi naman daw kailangan iyon at mahal daw yon. Maghihirap ang kaharian pagnagpumilit ako kaya sige, mangarap ka na lang froglet.

Lagi na lang akong nangangarap. Lagi na lang akong umaasa. Kailan pa kaya ako yayaman ng bonggang-bongga? Ang lungkot talagang maging tao...

No comments:

Post a Comment