Dati, pinangarap kong maging astronaut. Tapos gusto ko din maging anghel.
Tapos narealize ko ang katotohanan na hindi naman ako pwedeng maging astronaut at mas lalo namang hindi pwedeng maging anghel kaya pinilit kong mag-undergo ng tinatawag na metamorphosis.
Mula sa pagiging anghel ay nag-evolve ako at naging isang kalansay. Skeleton in the Closet. Yun ang sunod na naging pagkatao ko. Isang kalansay na nahihiyang humarap sa mundo.
Pero ulit, narealize ko na ang pangit ng kalansay kaya nagtransfor ulit ako at naging isang palaka.

Isang prinsesang palaka.
Isa akong palaka na nagkatawang tao. Isang froglet na patuloy na nangangarap. Isang froglet na pinipilit makisama sa mundo ng mga tao. Isa ito sa pinaka-malaki kong transformation at isa sa pinakamahalagang phase ng aking buhay.
Malayo pa ang susunod kong transformation.Nag-eenjoy pa ako sa pagiging palaka. Marami ang gustong itransform ako at gawing princesa pero walang ni-isa nila ang, so far, ay naging successful.
Mananatili akong palaka sa napakahabang panahon. Kagaya ni sleeping beauty ako ay maghihintay ng isandaang taon bago ako muling magtatransform at magiging isang...uhm...well..actually hindi pa ako nakapagdecide kung magiging ano ako sa susunod kong tranformation. Bahala na si Batman!
sa ngayon isa lang ang hinihingi ko; ang maintindihan ng lahat na ayokong maging princesa at ang tanging gusto ko lamang ay maging isang palaka. Isang palaka na may alindog ng isang bold star , ganda ng isang diyosa, kutis na alagang Belo at mga pangarap na mas malaki pa sa Milky Way Galaxy.
Siguro someday magta-transform ulit ako at magiging isang dinosaur. Tutal favorite ko naman ang Jurassic Park. O di kaya magiging isang baboy. Isang napakaganda at seksing baboy para sikat gaya ni Babe, the pig in the city.
Sige...hanggang dito na muna. Magpa-plano pa ako para sa susunod kong transformation. Ciao!

No comments:
Post a Comment