Buhayin mo ang musikang ‘di ko nilikha,
Masdan mo ang mga bagay na ‘di ko ginawa,
Pakinggan mo ang mga kasabihang ‘di ko sinasalita,
Suriin mo ang mga komposisyong ‘di ko kinatha.
Kainin mo ang mga pagkaing ‘di ko malasahan,
Ginutain mo ang mga karanasang ‘di ko malasahan,
Tumungo ka sa mga lugar na ‘di ko mapuntahan,
Hawakan mo ang mga gamit na ‘di ko madampian.
Pakinggan mo ang mga kantang ‘di ko inaawit,
Tugunin mo ang mga katanungang ‘di ko mabigyang kasagutan,
Samahan mo ako sa aking pag-iisa,
Pasayahin mo ako sa aking kalungkutan.
Tulungan mo akong ipaalam sa kanila...
Tulungan mo ako upang maunawaan nila...
Tulungan mo akong maipaabot sa kanila...
Tulungan mo akong paniwalaan nila...
Kaya ako ganito, panay ang hingi ng pabor sa iyo,
Kasi natatakot ako na ‘di paniwalaan
Nanghihina ako...
Nangangambang walang makikinig sa akin
Pero sa kabila ng lahat ng takot at pangamba
Heto ako nananatiling buhay
Patuloy na lumalaban,
Nakikialam, nagpapalalim, nag-aaral, natututo at nagbabahagi ng kaalaman.
Sana ako ay inyong maunawaan.

-a
ReplyDelete-an
Subukan mo namang mag-isip ng ibang line ender.
Rhyming is an art.
Yeah I know. Well, it's just that I used my own style in doing my craft. Anyways, thanks.
ReplyDelete