Nang kumislap ang dunong
sa mundong bilog
Umunlad habang patuloy ang pag-inog
Kalikasa'y nagsisiklab
na sumasabog
Sa maalong dagat
ningning ay lumubog
Imbot at inggit ay
kumalat na limbas
Nang 'di man lang mahutok
ng ganitong batas
Hidwaan ay nabuhay
at mundo'y hinampas
Maging ang ulap sa taas ay binutas
O kalikasan kislap mo'y nasaan?
Ngiti ng eden,
'di man lamang masulyapan
Dalangi'y mamaso
yaring kasamaan
At nawa'y ang tao ay maliwanagan.
No comments:
Post a Comment