Unang araw ng Hulyo, Huwebes, ika pito ng gabi.
*pagbabalik tanaw*
Naaalala ko pa ang araw na kinuha ko ang cellphone na 'yun sa bahay. Pinagpalit ko sa flip-top na cellphone ko. Sa tingin ko kasi mas matibay iyon at hindi takaw mata sa mga masasamang elemento sa daan.
Tuwang-tuwa ako dahil ang maliit at de-flashlight na cellphone ay pagmamay-ari ko na. At dahil sa excited ako, pinalitan ko kaagad ng bagong housing ang cellphone na tawagin na lang natin sa pangalang "kulit". Matapos ko'ng palitan ang housing ay nagtext na ako. Nag-enjoy talaga akong gamitin ito dahil ang liit lang niya (parang ako) at may distribution list pa, hindi na ako mahihirapan pang mag-send ng mga katakot takot na group message "gm"..
Limang buwan ko rin nakasama si Kulit. Halos boyfriend na nga ang turing ko sakanya dahil palagi ko siyang kasama (pati sa pagligo ko). Sa paggising sa umaga, siya agad ang tinitingnan ko. Si Kulit ay isa na ring mini alarm clock kung hindi niyo naitatanong. Kung minsan pa nga ay naihahagis ko pa siya sa sobrang antok ko. akala ko unan pa ang hawak ko, kaya madalas pag gising ko matatagpuan ko na lang siya sa ilalim ng kama. Isa pa sa nakapagpapasaya sa akin kapag kasama ko siya ay napakalakas ng sagap niya, as in napaka lakas ng signal. nakakaloka. akala ko may depekto na siya sa kabila ng maraming beses na nabagsak siya.
hay. lumipas pa ang ilang buwan, mahal ko pa rin si Kulit. Pero parang may iba. kakaiba ang kinikilos ni kulit. Hmm.
Akala ko palagi kaming magkasama ni Kulit. Akala ko lagi lang siya nandyan para sa akin. Lalo na kapag kailangan ko na kontakin ang mga kaibigan ko. pero hindi pala. Nasaktan ako. Sobrang nasaktan ako.
Hindi ko inaasahan na sa ganun kabilis ay iiwan na ako ni Kulit. Akala ko nakikipagtaguan lang siya sa akin nung gabing iyon. Bigla na lang siya hindi nagpakita sa akin. hindi ko alam kung mangmang lang talaga ako at pinabayaan ko siya. Nawala si Kulit. Hawak ko siya ng gabing iyo, pero nawala siya. Parang sa isang pitik na iyon ay bigla na lang naglaho ang ilaw ni Kulit. Wala na ako'ng makukulit. *umiiyak*
Sobrang nanghihinayang ako. Sa panahon ngayon, mayaman ka man o mahirap may cellphone ka. kung minsan pa nga kahit sobrang laos na ng yunit ng cellphone mo ay gagamitin mo pa rin. Ang cellphone sa ngayon ay hindi na lamang basta luho o kagustuhan, para sa akin isa na itong pangangailangan. hindi ko maikakaila sa sarili ko na sobrang laking tulong sa akin ni Kulit. Hindi ko alam kung dapat bang magmukmok ako sa sulok dahil iniwan niya ako. Ang sakit lang talaga dahil malapit na ang kaarawan ko at nawala pa siya. Paano na ang mga babati sa akin? Nalulumbay ako ng sobra.
*IYAK IYAK IYAK*
Nakakatuwa lang din dahil sa kabila ng paglisan ni Kulit ay marami ako'ng natutunan. Una na dito ay dapat na siguro akong magbawas ng contacts. isa siguro ito sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako maka-move on dahil nahihirapan ako maghagilap ng mga numero ng mga kaklase, kaibigan at iba pa. Isa pa, dapat ko rin tanggapin ang katotohanang walang permanente sa mundo. Tao o bagay man ito ay darating ang araw na iiwan nila tayo. Higit sa lahat, natutunan ko na lahat ng nangyayari sa atin ay paniguradong may dahilan.
Nakakataba lang din ng puso dahil sa kabila ng pag-iwan sa akin ni Kulit ay nandyan ang mga taong handang tumulong at dumamay sa akin. Hindi man nila matutumbasan si Kulit, napatunayan ko naman sa sarili ko na mayroon pa rin mga taong darating upang tumulong sa akin.
P.S.
MAMIMISS KITA NG SOBRA.
No comments:
Post a Comment