Wednesday, September 8, 2010

TULA MULA KAY KOJAK

KAIBIGANG BERDE

Ikaw ay naguguluhan
Ikaw ay nahihirapan
Naiipit sa gitna ng
Mga batong nag-uumpugan

Batong walang pakialam
Na tuloy sa pag-uyam
At hindi napapansin
Gitna pala'y nasusuklam

Sa berde kong kaibigan
Na wala nang makapitan
Gamitin ang iyong binti
Butas ay pwedeng takasan

Ngunit kung 'di maaari
At binti'y biglang umiksi
Makinig ka lang sa uwak
Ito lang ang masasabi:

Ikaw na patalon-talon
Na sinumpa ng panahon
Hindi mo naman sinasadya
Na magpahulog sa balon

Sa bawat katanungan
Na ika'y naguguluhan
Piliin lang ang s'yang tama
Na nararapat mong sundan

Hindi masamang tumanggi
Kung mapupunta sa mali
Hindi masamang makinig
Kung ika'y mapapabuti

No comments:

Post a Comment